NAKORONOHAN bilang 2020 Miss Universe-Philippines ang kandidato ng Iloilo na si Rabiya Mateo.
Nangibabaw ang kagandahan ni Rabiya sa 46 na kandidata at 16 na finalists na nagpasiklaban sa pagrampa at iba’t-ibang segment ng kompetisyon.
Sa Question and Answer portion, tinanong ang mga finalist kung ano ang kahalagahan ng pageant ngayong may krisis.
Itinanggal namang 1st Runner Up si Maria Ysabella Ysmael ng Paranaque City; 2nd Runner Up si Michelle Gumabao ng Quezon City; 3rd Runner Up si Pauline Amlenckx ng Bohol habang 4th Runner Up si Kimberly Hakenson ng Cavite.
Si Rabiya ang kakatawan sa Pilipinas sa International Miss Universe pageant.
Sino si Rabiya?
Gradute ng Physical Therapy si Rabiya at isa siyang cum laude. Isa ring review lecturer si Rabiya kaya’t kasama sa adbokasiya nito ang patungkol sa edukasyon.
Ilongga ang ina ni Rabiya at Indian ang kanyang ama na nasa Amerika at matagal na niyang hindi nakakausap.