MPD, walang na-monitor na banta sa seguridad sa Pista ng Poong Itim na Nazareno

SINABI ng Manila Police District (MPD) na wala itong na-monitor na banta sa seguridad sa buong aktibidad lalo na sa mismong araw ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2023.

“Security threats as of today, wala kaming namonitor na security threats,” pahayag ni MPD Director Brig. General Andre Dizon sa ginanap na press conference para sa #Nazareno2023.

Nasa 3,000 miyembro ng kapulisan ang ipapakalat ng MPD sa buong paligid ng Quiapo at Quirino Grandstand, bukod pa sa 2,000 karagdagang puwersa mula naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Pagtitiyak pa ni Dizon na 24/7 ang kanilang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto at pangkalahatang publiko.

Dagdag pa ni Dizon, ang MPD ay mananatiling professional at flexible kung saan bukas aniya ang kanilang linya palagi para maging matagumpay ang aktibidad na ito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.