MPD Station 11, isinailalim sa lockdown

Isinailalim na rin sa special quarantine lockdown ang Manila Police District – Station 11 at ang halos 50 personnel nito.

Napag-alaman na alas 5 ngayong hapon ng i-lockdown  ni Manila Police District (MPD) Director PBrig. Gen.  Leo Francisco ang istasyon.

Batay sa datos mula sa MPD, nasa 56 na ang nagpositibo sa COVID-19 swab test mula sa 121 na nagpasuri.

Nasa 38 naman ang kasalukuyang naghihintay ng kanilang resulta kung saan sila ay kailangang mag-quarantine  sa loob ng istasyon at Police Community Precint o PCP.

Isasagawa rin ang regular na  disinfection habang hinihintay ang kanilang resulta.

Ang 37 na nag-negatibo sa swab test ay magpapatuloy sa kanilang duty o trabaho.

Mayroon namang 30 personnel na augmentation na ipapakalat sa mga PCPs  at sections na apektado ng contact tracing.

Suspendido rin ang iba pang transaksyon sa nasabing istasyon ng pulisya .

(with report by Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.