BREAKING
NAKA-LOCKDOWN ngayon ang MPD Station 11 kasunod ng naitalang 46 na kaso ng COVID 19 sa mga nakatalagang pulis sa istasyon.
Ibig sabihin, wala munang mga transaksyon pero naka-alerto at nag-iikot na rin ang mga pulis sa ibang mga presinto sa Binondo area na sakop ng MPD Station 11.
Mga pulis na naka-assign sa ibang presinto ang nagbabantay ngayon sa paligid ng police station.
Samantala, dumating na rin ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na nakasuot ng PPE upang magsagawa ng disinfection sa loob ng MPD Station 11.
Magugunitang umabot na sa 46 pulis ng MPD Station 11 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.

