MPD, nakipagtulungan sa PSA para sa national ID registration

Share this information:

NAKIPAGTULUNGAN ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagsasagawa ng Philippine Identification System (Philsys) registration ngayong araw Setyembre 12 sa MPD headquarters.

Layon nito na magtatag ng iisang national identification system para sa lahat ng Pilipino at residenteng dayuhan sa bansa, alinsunod sa Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.

Nagsimula ito pasado alas 8 ng umaga na nagtapos ng alas 4 ng hapon. Naging bukas ang registration sa lahat ng miyembro ng kapulisan ng MPD at kanilang pamilya o maging kaibigina mula limang taong gulang pataas.

Kailangan lamang magdala ng valid na government-issued ID at orihinal na kopya ng birth certificate mula sa local civil registrar o PSA.

Sa kawalan ng mga dokumento sa pagkakakilanlan sa itaas, ang orihinal na sertipiko ng barangay ay sapat na at tatanggapin.

Nagpasalamat naman ang PSA sa ibinigay na suporta at kooperasyon ng MPD sa pamunuan ni PBrig. General Andre Dizon kaagapay ang District Personnel and Records Management Division na si Chief PCol. Samuel Pabonita.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.