PESO ng lungsod ng Maynila, nagkasa ng job fair

NAGLUNSAD ng isang job fair ngayong araw ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ginawa ito ganap na alas 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon sa Park & Ride Building sa Lawton Maynila.

Ayon sa Manila Public Employment and Services Office (PESO), aabot sa 700 ang bilang ng mga available na mga trabaho ang inialok sa naturang job fair, kabilang ang mga trabaho na tulad ng: 

–  Sales Promodiser

–  Production Operator

–  Services Crew 

–  Customer Services Representative. 

At marami pang iba.

Para sa kumpletong listahan, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng PESO-Manila City.

Upang makapag-apply, maaaring magparehistro muna sa Google form na ibinigay ng PESO kung saan i-screenshot ang confirmation upang maipakita sa Job Fair.

Paalala pa ng lokal ng pamahalaan, para sa mga aplikante na magdala ng pamaypay, payong, tubig gayundin ang black ballpen, at sampung kopya ng resume, at magsuot ng semi casual na kasuotan.

Sa ngayon ay patuloy ang pagdating o pagdagsa ng mga aplikante dito parin sa Park & Ride sa Lawton sa tanggapan ng PESO.

Magtatagal ang job fair ng apat na araw o hanggang Setyembre 15, ayon sa tagapagsalita ng PESO na si Happy Libutan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.