MPD, nag”ocular inspection” sa Chinatown para sa pagdiriwang ng Chinese New Year

Share this information:

NAGSAGAWA ng mobile at ocular inspection ang Manila Police District (MPD) sa paligid ng Chinatown District bilang paghahanda pa rin sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Pinangunahan ni MPD Director P/Brig. General Andre Dizon ang pag-iikot sa lugar kasama ang mga duty personnel ng police station na nakakasakop sa lugar, PCP at Outpost.

Ayon kay Dizon, ang mandatory ngayon na kanilang ipinapatupad sa mga magtutungo sa Chinatown District ay ang pagsusuot ng face mask.

Dagdag pa nito, walang gun ban at liquor ban na ipinatutupad ngayong Chinese New Year.

Wala namang gun ban at liquor ban– so puwede po sila makipagsaya dito (Binondo),” pahayag ng heneral.

Pagdating naman aniya sa mga pagpapaputok ng fireworks ay ang Manila Chinatown Development Council ang siyang magkokontrol.

Ayon kay Dizon, inaasahan na libong mga tao ang dadagsa sa Binondo dahil sa inihandang food festival, fireworks display, dragon boat competition, solidarity parade at cultural show hindi lamang ng mga Filipino-Chinese kundi pati ang mga Chinese businessmen at businesswomen.

Ang dragon boat parade ay gaganapin sa Pasig River sakop ng Quezon Bridge, Jones Bridge at Intramuros-Binondo bridge.

Nauna nang sinabi ni Dizon na nasa 3,200 MPD personnel ang kanilang ipapakalat sa Binondo area para magbantay sa seguridad ng publiko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.