Comelec, patuloy ang upgrade ng IT equipment nito para maiwasan ang hacking, data breach

Share this information:

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na patuloy ang kanilang pag-upgrade ng equipment para palakasin ang kanilang information technology (IT) capacity at security upang maiwasan ang hacking at data breach, ayon kay spokesperson John Rex Laudiangco.

Naglabas ng pahayag si Laudiangco matapos linawin ng National Privacy Commission (NPC) ang Comelec at software provider Smartmatic pagdating sa paglabag sa data privacy na may kaugnayan sa 2022 elections dahil sa kakulangan ng merito.

Aniya, patuloy na pinag-aaralan at sinasanay ang paggamit ng bagong teknolohiya lalo na kaugnay sa halalan sa tulong ng kilalang IT expert na si Commissioner Nelson Celis.

Sinabi ni Laudiangco na bahagi ng pagpapalakas ng technology system ng Comelec ay ang pagpapatibay ng hardware at escalation ng encryption sa lahat ng programs at software.

This involves all the Comelec’s system, whether those directly related to the elections or in our day-to-day operations,” sabi ni Laudiangco 

Bumuo rin ang Comelec ng “Cybersecurity Division” bilang bahagi ng Comelec – Information Technology Department.

Ayon kay Laudiangco, kasalukuyan nang nagsasanay ang kanilang mga opisyal at personnel sa cybersecurity upang maitatag na ang nasabing bagong tanggapan na kinakailangan upang maipagpatuloy sa pagsulong ng teknolohiya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.