Isa patay sa sunog sa Tondo, Maynila

Share this information:

ISA ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog noong Sabado sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Carlo Cruz, 12 taong gulang at sinasabing may Down’s syndrome, ayon na rin sa kumpirmasyon ng ama ng bata na si Baltazar Cruz.

Ayon kay Baltazar, sinikap niyang ilabas ang anak sa nasusunog nilang bahay pero hindi kinaya dahil malaki ang kanyang anak.

Nagsimula ang sunog nang pasado alas 11 ng umaga sa residential area sa Sandico St. Tondo at idineklarang fire out ala-1:00 na ng hapon.

Pahirapan naman ang mga bumbero na mag-apula sa sunog dahil nauubusan ng tubig at walang fire hydrant sa lugar.

Aabot sa mahigit-kumulang 20 bahay ang natupok ng apoy na pawang gawa sa light materials.

Tinatayang nasa P350,000 naman ang tinatayang naging pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi o pinagmulan ng sunog sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.