MPD, magpapakalat ng 3,200 mga pulis para sa Chinese New Year sa Maynila

Share this information:

MAGPAPAKALAT ang Manila Police District (MPD) ng 3,200 mga tauhan nito para magbantay sa seguridad sa pagdiriwang ng Chinese New Year o Year of the Water Rabbit sa Chinatown District sa Maynila.

Ngayong hapon, isinagawa ang send-off ceremony sa Plaza San Lorenzo Ruiz, Binondo, Maynila.

Maliban sa seremonya ay nagsagawa rin ng showdown inspection at mastering ng equipment na gagamitin para sa nasabing aktibidad mula sa Enero 21 hanggang 22.

Tiniyak naman ni MPD PBrig. General Andre Dizon na mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan sa buong Binondo area tulad din ng mga ginawang pagbabantay sa katatapos lamang na kapistahan ng Quiapo at Sto. Nino nitong nakaraang mga linggo.

Layunin ng mahigpit na seguridad na protektahan ang pagdiriwang ng Chinese New Year upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa naturang selebrasyon mula sa iba’t-ibang lugar. 

Bagaman may ilang mga pagbabago dahil pa rin sa pandemya dulot ng COVID-19, siniguro ni Dizon na mahigpit pa ring ipapatupad ang health protocols sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.