Mga nakumpiska ng BOC sa nakalipas na taon, aabot sa mahigit P24 bilyon

INIULAT ng Bureau of Customs na aabot sa P24.28 bilyon mula sa 709 smuggled goods ang nasabat nito noong nakaraang taon.

Kasama sa mga nakumpiska ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P11.95 bilyon, counterfeit goods, P7.69 bilyon, at agricultural products, P1.87 bilyon.

Sa pinaigting na pagsisikap ng BOC laban sa mga ipinagbabawal na kalakalan ng mga produktong pang-agrikultura, ang lahat ng pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura, maliban sa mga napili sa ilalim ng Super Green Lane (SGL) Facility, ay kinikilala bilang mga high-risk commodities.

Nagresulta ito sa 137 seizures ng iba’t-ibang agricultural products na may kabuuang halaga na P1.87 bilyon  .

Bukod dito, 200 Letters of Authority (LOA) ang ipinatupad para sa parehong panahon,109 dito ang positibo ang resulta.

Samantala,193 alert orders ang inisyu kung saan 120 ang nagpositibo para sa paglabag sa mga nauugnay na batas, tuntunin, at regulasyon sa customs.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.