Dalawang empleyado ng BI, sinibak sa puwesto

Share this information:

INANUNSIYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pagsibak sa kanilang puwesto ng dalawang empleyado nito dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawain.

Sa pinirmahan nitong kautusan nitong, sinabi ni Tansingco na sinibak niya ang dalawang Immigration Officers matapos na makatanggap ng intelligence reports na sangkot sila sa trafficking activities sa Clark International Airport (CIA) at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Paliwanag ni Tansingco na bilang preventive measure, ang dalawa ay ia-assign sa back-end office duties  habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Binantaan din ng BI Chief ang mga empleyado na masasangkot sa illegal activities na mahaharap sa  administrative cases, suspension, o dismissal.

The elimination of corruption is really one of my main targets in the Bureau,”  ayon kay Tansingco.  “Any attempt to engage with corrupt practices shall be met with the harshest penalties possible,”  dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.