PATAY ang isang motorcycle rider makaraang masalpok ito at magulungan ng isang pampasaherong bus sa Congressional Avenue sa Quezon City.
Batay sa paunang imbestigasyon, nasagi ng isang Pascual Liner bus na minamaneho ni Claro Basillo ang motorsiklo na sinasakyan naman ni Abrilou Nadela.
Nang sumemplang ay nagulungan pa ng bus ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Patuloy nang sinisiyasat ng Cuezon City Police District Traffic Bureau ang aksidente na nangyari bago mag-alas-7 kaninang umaga.