LUMAGDA ng Memorandum of Agreement (MoA) ang Maritime Industry Authority (MARINA) kasama ang Commission on Elections (Comelec) na layon na makapagtatag ng ilang registration centers para sa Overseas Voters para sa May 2025 national at local elections.
Ayon sa maritime industry, ang inisyatiba ay magagarantiyahan ang tuloy-tuloy na pagpaparehistro ng mga kwalipikadong botante sa ibang bansa mula Disyembre 9, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024.
Sa partnership na ito, layunin ng dalawang organisasyon na matiyak na magagamit ng bawat karapat-dapat na botanteng Filipino ang kanilang karapatang bumoto.
Nagpahayag naman kumpiyansa si MARINA Deputy Administrator for Operations Nannette Dinopol sa nasabing pagtutulungan.
“Consistent with the principle of leaving no one behind, the MARINA remains a strong partner of Comelec in promoting the continuing registration for qualified overseas Filipino seafarers through the Comelec-MARINA Registration Centers for Overseas Voters.“
“We definitely have one aim or hope in mind — that is, they [overseas voters] will be able to exercise their right to suffrage come the 2025 National and Local Elections wherever they may be or whatever seas their ships may sail, their votes will be counted,” pahayag ni Dinopol.
Ang registration centers ay inaasahang mag-o-operate mula sa paglagda ng kasunduan hanggang September 30, 2024 mula Lunes hanggang Biyernes ng alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Sa pagtatayo ng registration centers, layon ng MARINA at Comelec na masiguro na bawat Filipino saan man ang kanilang kinalalagyan ay makakalahok sa mga darating na halalan.
Nilagdaan ang MOA ng mga opisyal mula sa nabanggit na mga organisasyon kasama ang iba pang government agencies tulad ng Department of Migrant Workers (DMW) at ang Department of Foreign Affairs (DFA).

