UMAASA si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na “intact” pa ang industrial fuel at operational fuel lamang ang nakokolekta kahapon.
Gayunman, aminado ito na may hamon sa pagrekober ng langis sa ilalim ng tubig dahil sa kawalan ng kagamitan.
Una aniya ay ang kapabilidad ng mga technical diver.
Pangalawa, wala aniyang mga gamit at mechanical equipment, submersible na maaaring pumunta sa ilalim na hindi manganganib para sipsipin.
“Pinaghahandaan namin yung recovery, we’re involving also ‘yung mga stakeholders like major oil companies to contribute dun sa effort ng government para kung sakaling lumabas siya ay ma-contain kaagad natin,” ani Balilo.
Ayon na rin aniya sa mga eksperto ay mahihirapan sa pagrekober at wala aniyang makitang ibang paraan kundi ang pagkakaroon ng mechanical equipment na puwedeng dalhin dito mula sa ibang bansa na submersible at maaaring gamitan ng mahabang pump para makuha ang langis.

