Breaking News

Share this information:

EXCLUSIVE

PHOTO: ANG Pro MMA Fighter at coach na si Gary Espinar (kaliwang larawan) ilang sandali matapos ang kanyang pagkaka aresto sa isinagawang anti-drug bust operation ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) sa Cubao, Quezon City.

DATI sa loob ng octagon cage, ngayon sa loob ng bilangguan.

Ito ngayon ang dinanas matapos dakpin ng mga awtoridad ang Pro Filipino-Canadian Mixed Martial Arts (MMA) fighter at coach na si Gary Espinar sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) sa parking area ng Hypermarket sa Cubao, Quezon City, Sabado ng gabi.

Nasamsam umano kay Espinar, 38-taong gulang, ang tinatayang tatlong milyong pisong halaga ng high-grade marijuana o “kush”.

Nabatid sa report kay NPD Director Brig. General Eliseo Cruz, nadiskubre ang ilegal na droga sa loob ng walong lata at sampung malalaking plastic sachets.

Naaresto si Espinar matapos na inguso ng dalawang iba pang mga suspek na unang naaresto sa operasyon ng mga awtoridad.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente habang posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Huling naging laban ni Espinar bilang PRO MMA fighter noong June 10, 2018 at may record na 5-5-0 (Win-Loss-Draw).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: