COVID-19 cases sa Pilipinas, mahigit kalahating milyon na

Share this information:

Sumampa na sa mahigit kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, batay sa huling update ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Sa Case Bulletin No. 309 ng DOH, pumalo na sa 500,577  ang tinamaan ng virus infection at ngayong araw ay may nadagdagan ito ng 1,895.

Sa pamamagitan naman ng Oplan Recovery, nakapagtala ng 5,868 na recoveries ngayong araw dahilan para maging 465,991 na ang mga gumagaling sa sakit.

Sa ngayon, ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 24,691.

Mayroon namang 11 na nadagdag sa mga pumanaw kaya umabot na ang kabuuang bilang sa 9,895.

Nanguna ngayong araw ang Davao City sa mga lugar na naitalang mataas ang kaso ng COVID-19 na mayroong 107.

Sinundan ito ng Quezon City na mayroong 106, may 65 sa Isabela, 63 sa Pampanga at 62 sa Bulacan.

Sa pagkakaroon ng bagong variant ng virus sa bansa, iginiit ng DOH na paigtingin pa ang pagsunod sa health protocols at minimum public health standards  upang maiwasan ang pagkalat at paglobo pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region, nadakip ng NPD

Sun Jan 17 , 2021
ARESTADO ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang “Oplan Pagtugis” at “Saliksik” ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city. Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 anyos at residente […]

Follow Us

%d bloggers like this: