Miyembro ng “Nicko Gun Running Group,” kalaboso sa buy bust sa Caloocan

Share this information:

REHAS sa kulungan ang hihimasin ng miyembro ng isang small-time gunrunning syndicate na nag-ooperate sa hilagang bahagi ng National Capital Region at sa kalapit na lalawigan ng Bulacan matapos malambat ito sa isang buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay P/Lt. Col. Nicanor Ladesma III, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Northern Field Unit (CIDG-NFU), ang nasakoteng suspek kinilalang si Nico Bonabon, 30 anyos, ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Ladesma, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/CMSgt. Roberto Borromeo, P/SSgt. Jake Balberde td P/Cpl. Rex Ivan Laurenana ng buy-bust operation sa C3 Road, Brgy. 21, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang P500 marked money na kanyang tinanggap mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang cal. 22 revolver na may anim na bala.

Sa intelligence report na nakalap ng National Capital Region-Criminal Investigation and Detection Unit (NCR-CIDU), si Bonabon ay kinilala bilang miyembro ng bagong organized criminal group na “Nicko Gun-running Group” na sangkot sa gun running at pagbebenta ng ilegal na droga sa Caloocan City at Bulacan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.