2,117 na mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa — DOH

PUMAPALO na ngayon sa 3,953,886 ang mga kaso ng COVID-19 na naitala sa buong Pilipinas makaraang madagdagan ngayong araw ng 2,117.

Batay sa COVID-19 Tracker ng Department of Health (DOH), umaabot pa sa 28,872 ang aktibong kaso ng COVID-19 o ang patuloy pang nagpapagaling sa sakit.

Nasa 3,862,001 naman ang mga naka-recover o gumaling sa COVID-19 habang 63,013 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa virus.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19, sumunod ang Region 4A o CALABARZON; Region 3 o Central Luzon; Region 6 o Western Visayas at Region 7 o Central Visayas.

Samantala, ang Quezon City pa rin ang nangungunang lungsod sa bansa na maraming kaso ng COVID-19, sumunod ang Cavite, Laguna, Maynila, at Rizal.

Nabatid pa sa DOH na sa ngayon ay nasa 13.8 percent ang cumulative positivity rate o ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus sa mga nasuri.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.