Miyembro ng criminal gang, napatay sa Cavite

Share this information:

Napatay ang isang di-umano ay  aktibong miyembro ng isang criminal gang sa Rosario, Cavite kagabi matapos magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Sapa 3, Rosario, Cavite.

Tinukoy ni Police Lt.Col. Joewie Bantoto Lucas, Chief of Police ng Rosario Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si Arcie Surin alyas Arcie, walang trabaho at residente ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite.

Nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar ang pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Rosario MPS at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4-A, kung saan umaktong bibili ng shabu ang isang pulis sa suspek .

Nang maamoy ni Surin na pulis ang kanyang katransaksyon ay binunot nito ang kanyang kalibre .38 ng baril at nakipagbarilan sa mga awtoridad.

Humantong sa pagkamatay ng suspek ang barilan matapos itong tamaan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Narekober naman ang kalibre .38 na ginamit ng suspek at isang Heat-Sealed Transparent Plastic Sachet (HSTPS) na may lamang hinihinalang shabu at P500 na marked money

Napag-alaman na si Surin ay kabilang sa Bautista Criminal Gang  na nagsasagawa ng mga ilegal na aktibidad tulad ng pagnanakaw ng mga motorsiklo at iba pang serye ng pagnanakaw sa bayan ng  Rosario at ilang kalapit na  lugar sa Cavite.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon  ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa nasabing krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 491 libo na

Tue Jan 12 , 2021
Pumalo na sa 491,258 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng bagong 1,524 na mga kaso ngayong araw. Umabot naman sa 458,172 ang total recoveries makaraang madagdagan ng 44 na gumaling sa naturang sakit habang pumalo naman sa mataas na 139 ang nadagdag sa mga […]

Follow Us

%d bloggers like this: