Mga kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 491 libo na

Share this information:

Pumalo na sa 491,258 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng bagong 1,524 na mga kaso ngayong araw.

Umabot naman sa 458,172 ang total recoveries makaraang madagdagan ng 44 na gumaling sa naturang sakit habang pumalo naman sa mataas na 139 ang nadagdag sa mga pumanaw dahilan para maging 9,554 na ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 23,532 pang mga aktibong kaso .

Nanguna muli ang Davao City sa mga lalawigan at siyudad na may mataas na naitalang mga kaso na umabot sa 137. Sinundan ito ng Quexon Cty na may 109, Rizal,92; Davao del Norte,53 at Cebu City, 51.

Muling iginiit ng DOH na ayon sa genome sequencing na isinagawa ng  Philippine Genome Center noong isang linggo, wala pang nade-detect na COVID-19 variant sa mga specimen.

Nagsasagawa ulit ng panibagong sequencing at lalabas ang resulta nito bago matapos ang linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bataan landfill operator fined for ECC violations, ordered to rehab facility

Tue Jan 12 , 2021
The Environmental Management Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) has ordered Econest Waste Management Corporation (Econest WMC), operator of the Hermosa sanitary landfill facility in Bataan, to pay a penalty for violating its ECC (Environmental Compliance Certificate) and to cause the immediate rehabilitation of the area. […]

Follow Us

%d bloggers like this: