Mga prusisyon at parada, bawal muna sa Pista ng Sto. Nino

Ngayong kakatapos lang ng Pista ng Itim na Nazareno, nagpaalala muli ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa simbahan at mga residente hinggil naman ngayon sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Sto. Nino de Tondo.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang  aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish.

Papayagan  naman ang  pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod ang itinatakdang seating capacity na 30 percent.

Ngunit ang mga prusisyon o parada at kahalintulad na mga aktibidad  na ginagawa sa kalye ay hindi papayagan.

Ayon kay Yorme, kailangang mag-adapt ang mga tao sa “new normal” sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Sinabi ng alkalde  na dapat makinig din ang mga residente  tulad ng nangyari sa Kapistahan ng  Poong Itim na Nazareno.

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa  mga nakibahagi sa Pista ng Nazareno dahil karamihan ay sumunod at nakipagtulungan kaya nairaos ng maayos ang okasyon.

Sa abiso naman ng Archdiocesan Shrine of Santo Nino, ang mga misa kaugnay sa pista ay gagawin sa mga sumusunod na petsa at oras:

  • January 16 – 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi
  • January 17 – 4:00 ng umaga; 6:00 ng umaga; 8:00 ng umaga; at 10:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali; 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.