Miyembro ng ASG, timbog sa NBI

Share this information:

SA KALABOSO ang diretso ng isang sinasabing miyembro ng kilabot na Abu Sayyaf Group o ASG na inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) sa Maharlika Village, Taguig City.

Ang suspek na nakilalang si Wahab Jamal Sabirani alyas Ustadz Usamn Halipa ay inaresto  sa bisa ng isang Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng  Basilan dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Sinabi ni NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric Distor na ang pagkakaaresto ng suspek ay base sa impormasyon na kanilang natanggap noong Abril na umano’y isang ASG member ang namataan sa nasabing lugar.

Ayon kay Director Distor, matapos maberipika, nalaman ng NBI na ang isang nagngangalang Ustadz Usman Halipa ay siya ring si Sabirani  bilang tunay niyang pangalan, na sangkot sa Golden Harvest Plantation Kidnapping noong 2001 sa  Tairan, Lantawan, Basilan Province at kasama sa Warrant of Arrest para sa kanyang pagkakasangkot.

He may have eluded the law for almost 20 years but its long arm has finally caught up with him. Let me assure the public that the NBI will be unwavering in its drive to run after the members of this terrorist group,” ayon kay Distor.

Sa ngayon, nasa 27 mga ASG member na ang naaresto ng NBI simula 2018.

(Photo credit: NBI)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.