Mindoro Occidental, nilindol; pagyanig, ramdam sa Metro Manila

Share this information:

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Occidental Mindoro na naramdaman din sa ibang mga lugar sa Metro Manila, Biyernes ng hapon.

Dakong ala-1:12 ng hapon nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol sa layong 37 kilometro ng Pauluan, Occidental Mindoro.

May lalim na siyam na kilometro ang pagyanig na tectonic o mula sa paggalaw ng lupa ang pinagmulan.

Naitala rin ng Phivolcs ang Intensity III sa Paluan, Looc, at Lubang, Occidental Mindoro habang Intensity II sa Manila; Malabon City; Pasig City habang Intensity I sa Quezon City.

Kung pagbabatayan naman ang instrumental intensities ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity II sa Calatagan, Batangas; Tagaytay City habang Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Carmona, Cavite; Muntinlupa City; Navotas City. Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng pinsala pero may aftershocks matapos ang lindol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.