4 patay, 2 sugatan sa trailer truck sa Batangas

Share this information:

BATANGAS — DEDBOL ang isang  pulis at tatlong iba pa habang dalawa rin ang nasugatan nang araruhin ng trailer truck ang tatlong pribadong sasakyan sa Sitio Bayabasan, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas, Biyernes ng umaga.

Dead on the spot ang truck driver na si  Edgar Adesas at ang pahinante nitong si John Rey Basilan.

Batay pa sa paunang imbestigasyon, namatay din sa aksidente sina PLt. Col. Charlie Abot y Gaje na residente ng Pinagbuhatan, Pasig City at bystander na si Rachelle Hernando Dime.

Sugatan naman sina PSSgt. Cesar Sena at Jomer Denoso y Cris ng Meycauayan, Bulacan.

May mga lulang steel beam ang Isuzu trailer truck na minamaneho ni Adesas patungo sa Sitio Bayabasan nang bigla umanong mawalan ng kontrol at araruhin ang mga sinasakyan nina Denoso, Abot at Sena.

Naisugod na sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatang biktima habang patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.