MGCQ, maliit lang ang epekto sa ekonomiya – Salceda

Share this information:

MALIIT lamang ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa sakaling maisailalim sa modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bansa sa susunod na buwan.

Ito ang pananaw ni House Ways and Means Committee chairman Albay Rep. Joey Salceda kasunod ng panukala ni NEDA chief Karl Chua kay Pangulong Rodrigo Duterte na mailagay na sa MGCQ ang bansa.

Sa halip, sinabi ni Salceda na dapat na maging prayoridad ngayon ay ang COVID-19 vaccination lalo na sa mga health care worker.

“ I do not disagree with the proposal to reopen more sectors, but its impact will be very marginal compared to expediting vaccination,” diin ni Salceda.

Paliwanag nito, kung bubuksan muli ang iba pang mga negosyo pero hindi naman mababakunahan ang mga tao at healthcare workers, posibleng bumalik muli ang paghihigpit lalo na kung mapupuno na naman ang mga ospital ng mga tinamaan ng COVID-19.

Punto pa ni Salceda, na isang ekonomista, kung bubuksan ang mga negosyo, ibang usapin naman aniya ang paggastos ng mga tao.

Sa kasalukuyan aniya ay “depressed” ang spending power dahil wala namang perang naibibigay lalo na sa mga naapektuhan ng pandemya.

“Even if other places of business are reopened, if we are unable to vaccinate our healthcare workers, we will just have to reimpose restrictions once our facilities get overwhelmed and our frontliners start getting sick again. Also consider that spending power is depressed because we did not give the same kind of spending money that other countries delivered to their populations. Opening is one thing, getting customers to spend is another,” dagdag nito.

Sa kabila nito, suportado naman ni Salceda ang mas malawak na pagbubukas muli ng pampublikong transportasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga negosyante, sideline ay magbenta ng ilegal na droga sa Cabuyao City

Wed Feb 17 , 2021
Naaaresto kamakailan ang dalawang negosyate at driver dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Cabuyao City, Laguna. Sa ulat ni Laguna Provincial Police Director Col. Serafin Petalio II  kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Felipe Natividad, ang mga suspek ay sina Rodolfo Fernandez alias “Don Pepe,” 54 anyos, at Jim Fernandez,  26 anyos, […]

Follow Us

%d bloggers like this: