Tatanggalan ng pribilehiyo ang mga vendor sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Maynila kung hindi sila papayag sumailalim sa swab test.
Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa mga vendor sa 17 public market sa Maynila.
Giit ng alkalde, libre ang swab test sa lungsod kaya wala nang dapat pang idahilan ang mga vendor para sila ay tumangging magpasuri.
Kaugnay nito, inatasan ng alkalde si Zenaida Mapoy, ang market administrator, na huwag pagtindahin ang mga vendor sa mga public market na ayaw magpa-swab test.
Layon nito na mapangalagaan ang mga nagtitinda sa mga palengke at maproteksyunan ang mga mamimili sa kanilang puwesto sa palengke na nasa pangangalaga ng lokal na mapahalaan.
Binigyang-diin pa ng alkalde na araw-araw ay nakakasalamuha nila ang mga mamimili kaya mas mainam na masiguro na ligtas at hindi sila carrier ng virus.
Paraan din aniya ito para mapigilan o makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

