Kelot, tigbak sa saksak sa Malabon

Share this information:

Todas ang isang binata matapos saksakin ng isang 44-anyos na lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kanang bahagi ng baywang ang biktimang si Joshua Tavera, 24 anyos, ng Area 5 Dumpsite, Pinalagad Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa agarang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Ryan Morados, ng Saint James, Dulong Sisa Ext., Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 6 ng gabi, naglalakad si Tavera sa kahabaan ng Sisa Ext. Brgy. Tinajeros nang bigla na lamang lumapit ang suspek at sa hindi malaman na dahilan ay sinaksak nito ang biktima sa katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang kahit sugatan ay tumalon ang biktima sa ilog saka lumangoy patawid patungo sa Valenzuela city at humingi ng tulong sa mga bystander na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Ayon sa pulisya, nasaksihan ang insidente ng isang 21-anyos na lalaki na itinago ang pagkakilanlan para sa security reason kung saan positibo nitong kinilala ang suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.