Mga umiinom ng di-rehistradong produkto ng Vitamin C, pinag-iingat ng FDA

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa paggamit  o pag-inom ng  Vitamin C  na hindi awtorisado at hindi nakarehistro sa ahensya.

Sa abiso ng FDA, ang Kirkland Signature Vitamin C tablet ay wala pang naaprubahang Certificate of Product Registration (CPR).

Paliwanag ng ahensya, ang CPR ay nagpapahintulot  sa manufacturer ng produkto  na magbenta ng gamot sa merkado.

Ito rin ay upang masiguro na ligtas at epektibo ang gamot o anumang produkto.

FDA post-marketing surveillance activities have verified that the above-mentioned drug product has not gone through the registration process of the agency,” ayon sa abiso.

 Ayon pa sa FDA, hindi nakakatiyak o magagarantiya ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng nasabing gamot na maaaring maglagay sa panganib ang kalusugan ng publiko dahil hindi ito rehistrado. .

Pinatitiyak din ng ahensya sa local government units at mga awtoridad  na hindi  maibebenta ang produkto  sa publiko.

Ang naturang gamot ay ginawa ng US-based International Vitamin Corporation-Freehold.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.