Breaking News

Share this information:

MAHIGIT 200 tauhan ng Manila Police District – Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ang sinibak na sa puwesto.

Mismong si MPD Director PBGen. Leo Francisco ang nagkumpirma nito dahil na rin sa ilang kadahilanan.

Isa sa nabanggit ni Gen. Francisco ay ang  “overstaying”  o pawang matagal na sa puwesto, kung saan ang karamihan ay umabot na mula lima hanggang 11 taon na hindi nare-reshuffle.

Hindi naman aniya nagalaw ang hepe upang magtuluy-tuloy ang promosyon.

Sinabi ng Gen. Francisco na natuklasan niyang nasa duty lamang ang mga nasabing traffic police kapag rush hour o mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga, at kapag hapon ay mula alas-4 hanggang alas-8 ng gabi.

Pagkatapos aniya ng rush hour ay hindi na sila mahahagilap dahil hindi na rin nagsisibalik sa opisina.

Agad namang napalitan ang lahat ng mga  miyembro ng MPD-TEU na nasa 240 miyembro at nagtakda na rin si Gen. Francisco ng panuntunan upang makatiyak na hindi makapandaraya sa oras ng duty ang bawat pulis.

Dagdag pa ng heneral, ang mga may duty ng 6 a.m. hanggang 2 p.m. ay kailangang mag-report sa opisina ng 5:30 a.m. habang ang mga naka-duty ng 2 p.m. hanggang 10 p.m. ay kailangang mag-report ng 1:30pm.

Matapos ang bawat duty ay kailangan silang mag-report sa station commander na nakasasakop sa kanila.

Samantala, nabatid din kay Gen. Francisco na magkakaroon na rin ng bagong gusali ang Manila Traffic Bureau na nasa Port Area.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: