Caloy Yulo, makakatanggap ng pabuya mula sa PSC

Share this information:

MAKAKATANGGAP ng 750 libong pisong pabuya ang world champion sa gymnastics na si Carlos Yulo.

Matatanggap ni Yulo ang pabuya sa kabila ng nauna nang pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez na hindi sakop ng batas ukol sa pagbibigay ng insentibo sa mga atletang Pilipino ang taunang gymnastics event na sinalihan ni Yulo

Sa pahayag ng PSC, kalahating milyong piso dito ay para sa pagkakasungkit ni Yulo ng gintong medalya sa “vault” event ng gymnastics sa kakatapos lamang na 50th FIG Gymnastics World Championships sa Japan noong nakalipas na linggo.

Ang 250 libong piso naman na pabuya ay para sa pilak o silver medal na nakuha ni Yulo sa parallel bars event.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fully vaccinated sa Pilipinas, umabot na sa 25.95 milyon

Tue Oct 26 , 2021
UMAKYAT na sa 25.95 milyon o katumbas ng 33.65 percent ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated o ganap nang bakunado kontra COVID-19 sa Pilipinas. Ito ang ibinida ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing kanina. Dagdag naman nito na nasa 30.29 milyon na tao naman ang […]
%d bloggers like this: