Mga tricycle driver sa Samal, tumanggap ng ayuda mula sa DOLE

Naging masaya ang pagpasok ng Bagong Taon dahil sa natanggap na maagang biyaya ng mga miyembro ng Samal Tricycle Drivers Association sa Samal, Bataan.

Ito ay matapos silang mabigyan ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso (Php 300,000.00).

Pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao ang pamamahagi ng tig-sampung libong piso sa tatlumpung tricycle driver na naging benepisiyaryo ng proyektong ito.

“Ang perang kanilang natanggap ay makakatulong sa kanilang pagha-hanapbuhay sa pamamagitan ng pag-acquire ng mga motorcycle accessories at services,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Lubos na nagpasalamat ang Alkalde kay DOLE Region III Regional Director, Ma. Zenaida Angara-Campita, DOLE Provincial Director Leilani M. Reynoso at Rico Val Bacuyag sa proyektong iginawad para sa mga tricycle driver ng Samal na labis na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.