Breaking News

Share this information:

KULANG pa rin ang mga bakuna laban sa COVID-19 kahit malabong maisingit ang mga teenager sa hanay ng mga matuturukan nito.

Ipinahayag ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng itinutulak na pagbabakuna sa mga menor de edad lalo na sa mga estudyante.

“Dahil kulang pa ang bakuna at hindi naman sila kabilang doon sa tinatawag natin na high-risk group, hindi muna natin sila pwedeng isama sa ngayon,” ani Duque.

Sa halip, binigyang-diin ni Duque na ang mga nakatatanda at mga indibidwal na may comorbidities ang hinihimok na agad magpabakuna.

“‘Yan ang kinakailangan talagang isulong natin dahil diyan po galing ang mga naoospital na talagang sila po ang nabibiktima ng nakamamatay na komplikasyon ng COVID-19 infection,” dagdag ng kalihim.

Gayunman, sinabi ni Duque na bagamat hindi prayoridad ang mga teenager ay pinag-aaralan na rin ng Vaccine Expert Panel ang pagbabakuna sa mga nakababatang populasyon sa bansa.

Inaasahang mapapayagan na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Pfizer para a mga batang edad 12 hanggang 15 taon.

Ayon kay FDA chief Eric Domingo, nagpahayag ng pagpabo ang mga eksperto sa rekomendasyong gamitin ang bakuna ng Pfizer sa mga menor de edad na nauna na ring ginamit sa Estados Unidos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: