Mga LGU, maaaring magbigay ng dagdag paghihigpit sa paglabas ng mga bata

Share this information:

NAGPAHAYAG si Department of Health (DOH) spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring magpataw ng karagdagang paghihigpit ang mga local government units (LGU) patungkol sa paggalaw o paglabas ng kanilang mga bahay ang mga bata.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng ibinahagi ng isang doktor noong nakaraang linggo sa social media kung saan nagpositibo di-umano sa COVID-19 ang isang dalawang-taong gulang na batang lalaki matapos mamasyal sa mall.

Ayo pa kay Vergeire, nasa LGU din ang kapangyarihan na i-evaluate ang kanilang sitwasyon.

Dagdag pa nito na maaari din magbigay ang LGU ng  karagdagang restrictions o mga pagbabawal kung sa tingin nila ay kailangan higpitan pa ng kaunti ang paglabas ng mga bata.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Vergeire na ang pagpayag sa mga bata na lumabas sa gitna ng pandemya ay may mga benepisyo sa kalusugan.

Ito ay upang magkaroon ng interaction sa ibang mga bata at magkaroon ng oras na mag-ehersisyo.

Dagdag pa nito na ito ay isolated case lamang.

Nakaranas umano ng  mild symptoms ang bata na nagpositibo sa COVID-19.

Ang DOH naman ay nakikipag-usap na sa pamilya ng bata, sabi ni Vergeire.

Kailangan lang talaga bantayan maigi at saka siyempre ‘yung contact tracing natin ginagawa natin sa ngayon. So they are being monitored and they are being managed properly,” dagdag nito.

Samantala, muling iginiit ni Vergeire na hindi tiyak kung ang biyahe sa mall ang dahilan kung bakit nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang taong gulang dahil may iba pang factor na maaaring dahilan kaya ito nagpositibo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.