Mga suspek sa “Christine Dacera” case, hiling na alisin ang reward money

UMAPELA ang mga suspek na itinuturong may sala sa pagkakamatay sa flight attendant na si Christine Dacera na alisin na ang ” reward money” na inalok ng mga mambabatas para sa kanilang ikadarakip.

Ayon kay Atty.  Mike Santiago, abogado ng mga pinalayang suspek, dapat alisin na ang patong sa ulo ng kanyang mga kliyente dahil nakikipagtulungan na umano sa imbestigasyon ang mga ito.

Aniya, nangangamba sa kanilang seguridad ang nga suspek dahil mayroon ng mga sumusunod sa kanila para kumuha ng nga video.

“Considering nga may mga sumusunod sa kanila, may mga nagvi-video sa labas ng bahay nila. So, we are appealing to them na i-recall po ‘yung bounty talaga. There’s no need na for the bounty because there’s already a case, a complaint by the Prosecutor of Makati na we are willing naman, ‘yung mga kliyente namin na harapin at sagutin po ang reklamo na ito,” ani Atty. Santiago.

Magugunitang nag alok ng P.5milyon si Sen. Manny Pacquiao at P100,000 mula kay ACT-CIS Party List Representative Eric Go Yap para sa ikaaresto ng mga ito.

Nagpahayag si Yap na “moot and academic” na ang kanyang alok na P100,000 dahil nakipagtulungan naman na sa imbestigasyon ang mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.