Hindi pa “worst is over” — DOH

Share this information:

Sinabi ng Departmemt of Health (DOH) na hindi pa panahon para sabihing “worst is over” na ang COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum na ginanap kaninang umaga, hindi pa panahon para magbigay ng konklusyon o analysis sa gitna ng sitwasyon ngayon sa pandemiya.

“I don’t think that this is the time  for us to make conclusions, at tihis point in our situation regarding this pandemic.Alam natin na marami pang factors at challenges na kailangan pa nating harapin,“ ayon kay Vergeire.

Una-una aniya, nakikita na itong bagong variant kung saan maraming bansa na ang nag-i-identify nang meron at base aniya sa ebidensya ito ay mas mabilis na makahawa o mas mataas ang transmissibility ng 60 hanggang 70 percent.

Paliwanag ni Vergeire, ang trend na nakikita ngayon ay hindi stable dahil bumababa at tumataas ang bilang ng mga kaso  dahil ito ay epekto ng pagbaba ng 30 percent output ng mga laboratoryo.

“So this is not really for us to do some analysis. Kailangan pa natin makita ang further numbers for the coming days for us to really confirm kung pababa ba o pataas ang kaso,” pahayag pa ni Vergeire.

Pinaalala din nito sa lahat na maaring hindi pa naitatala yung holiday activity  sa mga numero na binibilang sa ngayon dahil sa incubation period. .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.