Pinayagan na ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbabalik- ensayo sa mga student athletes sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kanyang regular na Laging Handa Press Briefing.
“Yung mga fans ng UAAP, magpa practice na po ang ating mga teams:, ani Roque.
Nakatakda namang magpalabas ng guidelines ang Commission on Higher Education (CHED) para sa mga sports training.
Nauna ng pinayagan ng IATF ang pagbabalik training ng mga professional basketball at football players.