Mga siyudad ng Davao, Iloilo, Baguio at San Fernando, La Union maituturing na “areas of concern” – OCTA

Share this information:

PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at tumataas din ang bilang ng mga naoospital sa mga lungsod ng Davao, Iloilo at Baguio gayundin sa San Fernando, La Union.

Batay ito sa pinakahuling pagmomonitor ng OCTA Research Group na nagpahayag na maituturing na areas of concern ang mga nabanggit na lugar.

Ayon sa OCTA, nasa 1.41 ang reproduction number o ang bilang na nahahawa o virus transmission ng bawat isang positibo sa COVID-19 sa Davao City.

Tinataya umanong nasa 324 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Davao City simula noong Hunyo 25 hanggang Hulyo 1, tumaas naman ng 43 percent mula noong nakaraang linggo habang ang hospital bed nito ay nasa 66 percent nang okupado at ang intensive care unit (ICU) beds ay 89 percent nang nagagamit.

Natukoy din ang pagtaas ng mga kaso sa Iloilo City kung saan nasa 78 percent na ang hospital bed occupancy rate nito at 94 percent sa ICU bed occupancy.

Sa Baguio City, tumaas din ng 30 percent ang COVID-19 cases sa nakalipas na linggo habang naitala sa 82 percent ang hospital bed occupancy sa lungsod at 77 percent ang ICU bed occupancy.

Nabatid din sa OCTA na 148 percent ang itinaas ng mga kaso sa San Fernando City, La Union kumpara noong nakaraang linggo at mayroon itong 67 percent na hospital bed occupancy rate at 78 percent ng ICU beds na ang nagagamit.

Samantala, tumaas din ng 5 percent ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila simula noong Hunyo 25 hanggang Hulyo 1 bagamat nasa 36 percent ang hospital bed occupancy rate at 44 percent ang ICU utilization rate nito.

Sa buong bansa, nasa 0.97 ang reproduction rate habang ang incidence rate ay nasa 5.2 kaso kada araw sa 100,000 populasyon.

The trends slowed down or saw a decline in many LGUs in Mindanao and Visayas, including Cagayan de Oro, Tagum, Zamboanga City, Tacloban, Bacolod and Butuan,” ayon sa OCTA.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.