Mga lalaking dinukot, natagpuang patay sa Laguna

Share this information:

Natagpuang wala nang buhay ang  dalawang lalaking dinukot umano noong Linggo ng  anim na kalalakihan sa San Pedro City sa Laguna, habang tangay pa nito ang SUV saka  pinagnakawan pa ng mahahalagang gamit.

Natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay nina Jonathan  Flores David at Vins Flores bandang alas-4 ng madaling araw sa Alagao Bridge, Purok 9 Brgy Longos, Kalayaan. Laguna.

Ang mga bangkay ay natagpuan ni Ronald Fadrigalan, isang government employee.

Ipinagbigay alam agad ni Fadrigalan sa Kalayaan Municipal Police Station ang nakitang bangkay ng mga biktima. Ang dalawa ay dinukot kasama ang kanilang sasakyan at saka pinagnakawan pa noong araw ng Linggo habang iniwan naman ang dalawang babaeng kasama nito na sina Rica Arisco Bartolome at Ruffa Arisco Bantog  sa Block 4 Lot 1 Beach Nut St., Southview Homes 1, Brgy. Pacita 2, San Pedro City.

Palaisipan pa rin sa pulisya kung ano ang motibo ng mga suspek sa nangyaring pamamaslang at inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga nasabing suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.