NBI, ipapaubaya na sa DOJ ang istratehiya sa Dacera case

Share this information:

Ipapaubaya na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice  (DOJ)  ang magiging istratehiya sa pagsasampa ng kaso kaugnay sa Christine Dacera case. 

Ayon kay NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin, sa oras na maisumite nila ang report ay bahala na ang DOJ kung iko-consolidate ito  sa naunang kaso na isinampa ng Philippine National Police (PNP) o posible rin na maghain ng hiwalay na kaso. 

Nauna rito, kasong rape with homicide ang isinampa ng Makati Police laban sa 11 suspek. 

Samantala, ayon sa NBI, malaking challenge sa kanila ang imbestigasyon dahil nasira na umano ang ilan sa mga ebidensya. 

Gayunman, malaking breakthrough sa kaso ang pagkakuha ng “bodily fluid” sa  bangkay ni Dacera dahil magbibigay-linaw ito sa ilang bagay, tulad ng kung may alcohol  at drugs sa katawan ng biktima. 

Tumanggi si Lavin na magbigay pa ng ibang detalye dahil tanging  ang Death Investigation Division ng NBI umano ang  dapat magbahagi nito. 

Bukod sa Room 2207 at 2209, inimbestigahan din ng NBI ang Room 2002 ng City Garden  Hotel.  Malaking tulong din umano na nakikipagtulungan ang hotel sa imbestigasyon. 

“We have very encouraging leads, we have a very good investigation approach,” ani Atty. Lavin. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga prusisyon at parada, bawal muna sa Pista ng Sto. Nino

Tue Jan 12 , 2021
Ngayong kakatapos lang ng Pista ng Itim na Nazareno, nagpaalala muli ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa simbahan at mga residente hinggil naman ngayon sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Sto. Nino de Tondo. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang  aktibidad na gagawin sa labas ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: