Mga pharma firms, nagsumite na ng aplikasyon para baguhin ang kanilang EUA — FDA

Share this information:

KINUMPIRMA ng Food and Drug Administration (FDA) na nagsumite na ng aplikasyon ang ilang pharmaceutical companies para baguhin ang kani-kanilang emergency use authorization (EUA) at maisama ang “COVID-19 booster dose” sa kanila-kanilang regimen.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, inianunsyo ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na natanggap na nila ang aplikasyon ng Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V ng Gamaleya.

Ayon kay Domingo, hiniling ng mga nabanggit na pharmaceutical firms na maisama na ang booster dose sa kani-kanilang “regimen” kaya naghain na sila ng aplikasyon sa FDA para i-modify ang kani-kanilang EUA.

Sa ngayon, sinabi ni Domingo na “under evaluation” at inaaral ng FDA ang mga ito, habang ang vaccine experts ay nagsasagawa na rin ng review sa mga isinumiteng datos para sa booster shots.

Dagdag niya, base sa nakikita nila na magiging trend, hindi naman lahat ay kakailanganin ng third dose, maliban sa mga senior citizen, immunocompromised at health care workers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.