Mga pasyenteng naka-recover mula sa COVID-19, dumami

Share this information:

BREAKING

NAKAPAGTALA ngayon ng 8,592 recoveries ngayong araw ng Linggo, Enero 10, 2021 batay sa “Oplan Recovery” ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, umabot na sa 458,198 ang COVID-19 recoveries sa bansa.

Gayunman, nadagdagan naman ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit kung saan sa pinakahuling case bulletin ng DOH; 1,906 ang nadagdag sa mga kaso dahilan para umabot na sa kabuuang 487,690 ang kaso  ng mga nahawaan ng virus sa bansa.

Umabot naman sa 9,405 ang mga nasawi dahil sa karagdagang 8.

Muling nanguna ang Quezon City sa may mataas na naitalang kaso na may 121.

Sa Benguet naman ay nakapagtala ng 84 kaso. Mayroon namang 82 sa Davao City, 79 sa cavite at 75 sa Bulacan.

Nasa 20,087 naman ang aktibong kaso na kasalukuyang mga nagpapagaling.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Traslacion ng Itim na Nazareno, pinayuhan ng DOH ang mga dumalo sa kapistahan na bisitahin ang https://bit.ly/2JZmYs4 para sa mga mahahalagang paalala ukol sa kanilang kalusugan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.