“Re-autopsy” sa labi ni Christine Dacera: may silbi pa – DOJ

NANINIWALA si Justice Secretary Menardo Guevarra na mayroong “useful” na resulta ang isinagawang ‘re-autopsy’ ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun na masyado ng huli para ire-autopsy si Dacera dahil na-embalsamo na ang bangkay nito at ilang araw na din ang lumipas simula ng mamatay ang biktima.

“The mere fact na nagpunta sila roon is an indication that, and they have informed me, na meron pang chance na meron pang masilip doon sa mga organs, tissues na kukunin nila,” pahayag ng kalihim.

Layon ng re-autopsy na makakuha ng traces ng drugs at alcohol sa labi ni Dacera.

“That is still a possibility although mas mahirap ngayon dahil nga na-embalsamo na pero I think they have the technology para makita pa rin kung meron bang illegal substance or sobrang alcohol na nasa katawan ni Christine nung time na siya ay mamatay,” dagdag pa ni Guevarra.

Binigyan ni Guevarra ng 10 araw ang NBI forensic team upang magsumite ng report.

Magugunitang si Dacera ay natagpuang patay sa bath tub ng isang hotel room sa Makati City araw mismo ng bagong taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.