KAKAUNTI lamang ang nahakot na basura sa pagdiriwang ng Traslacion ngayong taon kumpara sa nakalipas na mga panahon, batay na rin sa Traslacion 2021 report ng Manila Department of Public Services (DPS).
Sa inilabas na garbage collection report, umabot lamang sa 42 truckloads ang nahakot na basura sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno kumpara noong 2020 na mayroong 68 truckloads.
Ayon sa DPS, ang kabuuang volume garbage collection ay mula January 8 hanggang 10.
Ngayong Translacion 2021, umabot lamang sa 110 metric tons ang basurang nakolekta na mas mababa sa 2020 garbage collection na umabot sa 330.3 metrc tons.
Mas maliit din ang idineploy na tauhan ng DPS ngayong taon na nasa 600 lamang kumapara noong nakaraag taon na nagpakalat ng 624 tauhan para maglinis sa mga Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Kahapon, Enero 9, kapansin pansin ang mga tauhan ng DPS sa paligid ng Quaipo church na maagap na sinusundan ang bawat kalat kaya naman napakalinis at maaliwalas ang buong Quaipo sa kabuuan ng pagdiriwang ng Kapistahan.