MULING nanawagan ang Commission on Elections sa mga eligible na partido na magsumite ng kanilang aplikasyon na lumahok sa pagsasagawa ng source code review para sa automated election system (AES) na gagamitin para sa 2022 national at local elections, tatlong araw bago ang itinakdang deadline.
Alinsunod sa Resolution No. 10712, ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang Setyembre 10, 2021.
” We once again call on election stakeholders to proactively take part in scrutinizing the technology and studying the system that will be used in the May 9,2022 polls.”
“This activity is a key component of the Commission on Elections’ commitment in promoting transparency and building public confidence and trust in the electoral process,” dagdag pa ng ahensiya.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, iilan pa lamang sa mga partido o grupo ang nag-apply para lumahok sa pagsasagawa ng source code review.
Batay sa RA 9369, mandato ng Comelec na maging bukas ang source code review ng AES technology sa mga interesadong partido o grupo para sa kanilang pagsusuri.
(PHOTO CREDIT: Comelec Local Source Code Review Facebook page)