Mga paputok, iba pang uri ng fireworks, bawal na sa Navotas City

Ipinagbabawal na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang paggamit ng mga paputok at ano mang mga aparato o materyales na pyrotechnic.

Sa Executive Order No. TMT-060, sinabi ni Mayor Toby Tiangco na bukod sa layong mabawasan ang peligro ng pinsala, makakatulong ang pagbabawal ng paputok na magtipun-tipon ang mga tao para makapanuod ng pagpapaputok.

“People go out to the streets to light firecrackers or witness fireworks display. However, because of the pandemic, we must avoid any mass gathering,” ani Mayor Tiangco.

Ang EO TMT-060 ay naaayon aniya sa Regional Peace and Order Council Resolution No. 19-2020.

“We want Navoteños to celebrate Christmas in the safety of their homes. Cases of COVID-19 are increasing. We need to enforce additional safety measures to prevent further virus transmission,” dagdag ng alkalde.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.