Tatlo patay sa jeep na sumalpok sa poste ng kuryente

TODAS ang tatlong katao habang isa ang nasugatan nang sumalpok ang jeep na may kargang mga itlog sa poste ng MERALCO sa Barangay Real, Calamba City sa Laguna.

Hindi pa matukoy ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Calamba City ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na maghahatid sana ng mga itlog  sa Calamba Public Market.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng jeep ang national highway ng nabanggit na barangay nang hindi mapansin ang drayber nito ang poste ng kuryente.

Dead on the spot ang mga biktima habang naisugod sa ospital ang nakaligtas na kasamahan ng tatlo.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.