Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, mas mababa sa 500

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na wala nang limang-daan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa kapulisan.

Paliwanag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, bagama’t marami pa rin ang 479 na aktibong mga kaso sa PNP, isa punto isang (1.1) porsyento na lamang ito ng kabuuang 41,847 na mga tauhan nitong tinamaan ng SARS-CoV-2 virus, na siyang nagdudulot ng sakit na COVID-19.

Sinabi niya na nang umabot sa 3,211 ang peak ng mga aktibong kaso ng COVID-19 noong Setyembre 17 ay araw-araw nang bumababa ang mga nagkakasakit sa hanay ng kapulisan.

Dagdag pa niya, ito ay magandang indikasyon lalo na’t 90 porsyento na ng puwersa ng PNP ay fully vaccinated o ganap nang bakunado habang siyam na porsyento ang naghihintay na lang ng ikalawang dose.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.