Mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila, kanselado kaugnay sa “Feast of the Black Nazarene”

Share this information:

IN PHOTO: PERSONAL na ininspeksyon kanina ni Manila Mayor Isko Moreno ang paligid ng Quiapo Church bilang paghahanda sa Kapistahan ng Itim na Nazareno bukas. Liquor ban sa Quiapo area mahigpit na ipatutupad. “Bawal ang inuman sa kalye.” (JONAH AURE)

KINANSELA na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga pasok sa pribado at pampublikong paaralan at maging mga trabaho sa lungsod ng Maynila bukas, Enero 9, araw mismo ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Sa nilagdaang Executive Order 01, suspendido ang mga klase at trabaho upang mabigyan ng oras ang mga deboto na makapanood ng misa on line dahil kanselado ang taunang Traslacion.

Nakasaad din sa kautusan na ipatutupad ang liquor ban sa paligid ng Quiapo.

Mahigpit pa din ipagbabawal ang inuman sa kalsada alinsunod sa City ordinance 5555.

Nakiusap din si Moreno sa mga deboto na pupunta sa Quiapo Church na sumunod sa health protocols at hanggat maari ay huwag ng umalis ng bahay at manood na lang ng misa online.

Ang taunang selebrasyon ng Traslacion o Kapistahan ng Itim na Nazareno ay kinansela dahil sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.