BINAWI ng Gamaleya ng Russia ang kanilang aplikasyon para sa clinical trial sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ang kinumprma ni Department of Science and Technology o DOST Usec. Rowena Guevarra sa media forum ng Department of Health (DOH) kanina.
Ayon kay Guevarra, noong January 6, 2021 lamng binawi ng GAUE amaleya ang kanilang aplikasyon.
Aniya, nauna itong nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa clinical trial phase 3 ng Sputnik V sa Pilipinas.
Nang tanungin naman ang dahilan ng withdrawal ng Gamaleya, sinabi ni Guevarra na napakasimple lamang ang kanilang rason at ito ay mag-aaply na umano ng emergency use authorization o EUA ang Gamaleya sa ating bansa, kaya hindi na magki-clinical trials sa Pilipinas.
Inaasahan na magsusumite ng aplikasyon para sa EUA ang Gamaleya ngayong araw o sa weekend.

